PALISERYE: PAGPAPALAWAK NG KASANAYANG PANG-MIDYA SA PAMAMAGITAN NG INTERAKTIBONG PALIHAN NG GRADE 11 STUDENTS
Ivy Grace S. Calipes, Cyryll Kate C. Jurada, Kyan Michael Basinillo
Student, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay masukat ang antas ng kasanayang pang- midya ng mga mag-aaral sa baitang 11 ng Semong National High School bago at pagkatapos ng isang interaktibong pali-serye o serye ng mga palihan batay sa basic information skills,analysis and development skills, information and internet skills at problem solving skills. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng kwantitatibong disenyo gamit ang dulog na pre-experimental upang tukuyin ang kasanayan ng 47 mga mag-aaral sa ika-11 baitang sa paggamit at pag-access ng mga pang-akademikong dihital na aplikasyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pre-test at post-test upang matukoy kung mayroon o walang epekto ang interbensyong isinagawa. Batay sa resulta, ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral bago ang interbensyoon ay may kabuoang mean na 2.18, ibig sabihin ay mababa lamang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng aplikasyong pang-midya. Samantala, pagkatapos naman ipinatupad ang interbensyon ay may kabuoang mean na 3.97 na nangangahulugang may mataas na kasanayan ang mga mag-aaral. Ipinakita rin sa pag-aaral na ito na mayroong makabuluhang ugnayan sa Pagitan ng Pre-Test at Post Test na isinagawa ng mga mag-aaral dahil sa 0.001 na p-value. Nangangahulugan lamang na ang interbensyon o programa ay nagkaroon ng positibong epekto sa mga mag-aaral, na nagpakita ng pagtaas sa kanilang kaalaman at kakayahan pagkatapos ng pagsasanay.
Keywords: kasanayang pang-midya, pre-experimental, pre-test, post-test
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-09-24
Vol | : | 10 |
Issue | : | 9 |
Month | : | September |
Year | : | 2024 |