BRIGADA PAGBASA- ISANG INTERBENSYON SA KAHIRAPANG MAGSALITA NG WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA IKA-10 BAITANG
Shieraline M. Supot, Rhea Mae C. Oñez, Chariza B. Pagal, Mecca Joy J. Abiado, Shane Sanchez, Jonever Paden, Archel M. Supot
Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang suriin ang antas ng kahirapan sa pagsasalita sa wikang Filipino bago at pagkatapos ipatutupad ang interbensyong Aksyong 4Ps (Pagsulat, Pagsuri at Pagbigay ng Pidbak). Kabilang din pagtukoy sa makabuluhang pagkakaiba sa kahirapan sa pagsasalita sa wikang Filipino bago at pagkatapos ipatutupad ang interbensyong Brigada Pagbasa. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng pre-experimental na disenyo. Ang mga respondente ay kinapalooban ng 32 na mga mag-aaral mula sa baitang 10 – seksyon Jacinto ng Asuncion National High School. Sa resulta ng pag-aaral, kahirapan sa pagsasalita bago ang ipinatupad ang interbensyon ay may kabuoang mean na 4.18, ibig sabihin madalas lamang itong naipapakita. Samantala, pagkatapos naman ipinatupad ang interbensyon ay may kabuoang mean na 4.53, ibig sabihin na laging na itong naipapakita. Ipinakita rin sa pag-aaral na ito na may makabuluhang pagkakaiba ang kahirapan sa pagsasalita bago at pagkatapos ng interbensyon dahil sa < .001 na p-value. Nangangahulugan lamang na may malaking papel na ginagampanan ang interbensyong brigada pagbasa sa pagpapaunlad sa pagsasalita ng mga mag-aaral.
Keywords: bokabularyong Filipino, pre-experimental, kwantitatib
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-11-12
Vol | : | 10 |
Issue | : | 11 |
Month | : | November |
Year | : | 2024 |