KAPANATAGANG EMOSYUNAL AT PAGTATAGUYOD NG DISIPLINANG PAMPAG-AARAL


Aileen Chavez-Miranda
The Rizal Memorial Colleges, Inc. Davao City 8000, Philippines
Abstract
Ang mga hamon sa disiplinang pampag-aaral ng mga guro ay naka-angkla, hindi lamang sa eksternal na kilos ng mga mag-aaral sa silid, kung hindi pati na rin sa mismong nangunguna nito. Kung kaya ang pananaliksik na ito ay binigyang pansin ang ugnayan ng lawak ng kapanatagang emosyunal ng mga guro at ang epekto nito sa kanilang napagtantong antas ng sarili nilang disiplinang pampag-aaral. Batay sa mga pagsusuri sa mga natuklasan, humantong ang mananaliksik sa sumusunod na konklusyon: mataas ang lawak ng kapanatagang emosyunal ng mga guro. Ito ay batay sa resultang natamo gamit ang apat na indikeytor na: optimismo, pagkamahinahon, awtonomiya, at pagmamalasakit. Mataas din ang digri ng pagtataguyod ng disiplinang pampag-aaral ng mga guro. Napagtanto rin na may makabuluhang ugnayan ang kapanatagang emosyunal at disiplinang pampag-aaral; dahil dito ang hipotesis na nagsasabing walang makabuluhang ugnayan ang kapanatagang emosyunal at disiplinang pampag-aaral ng mga guro ay tinanggihan. Upang mabuo may makabuluhang impluwensiya sa digri ng pagtataguyod ng disiplinang pampag-aaral ng mga guro. Gayunpaman, ang indibidwal na indikeytor ay hindi makabuluhang salik ng disiplinang pampag-aaral. Sa pangkalahatan, mas mapapalawak pa ang ugnayan ng dalawang salik kung titingnan ang ibang anggulong nakatutok sa mga nasabing Salik.
Keywords: Kapanatagang Emosyunal, Disiplinang Pampag-aaral
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2024-11-12

Vol : 10
Issue : 11
Month : November
Year : 2024
Copyright © 2024 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft