PAGHAHANDA AT EBALWASYON NG KAGAMITANG PAMPAGTURO SA ASIGNATURANG FILIPINO SA PROGRAMANG ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Kimberly Sheen Carcillar-Baylon
The Rizal Memorial Colleges, Inc. Davao City 8000, Philippines
Abstract
Isinakatuparan ang pag-aaral upang matukoy ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa programang Alternative Learning System (ALS) at makabuo ng isang kagamitang pampagtuturo na tutulong na mas mapaunlad ang iba’t ibang kasanayang pampagkatuto ng mga mag-aaral sa programang ALS. Deskriptib-debelopmental na disenyo ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral na ito. Ang lahat ng mga mag-aaral sa programang ALS ng Klaster 1, Sangay ng Lungsod ng Davao Rehiyon XI para sa Taong 2022-2023 ang awtomatikong kalahok sa pag-aaral. Ang antas ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay nakakuha ng resultang katamtaman lamang. Mula sa mga datos, nakitang walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa programang ALS ayon sa gulang, kasarian at estado ng pag-aaral, nangangahulugang pantay ang kanilang antas ng kahusayan. Dahil dito, binigyang-tuon ng mananaliksik na makabuo ng isang suplemental na kagamitang pampagtuturo na dadaan sa ebalwasyon gamit ang pantayang kagamitang pagsusuri para sa nilalaman, wika, at pagsusuri sa anyo at disenyo. Bilang rekomendasyon, kailangang maparami ang mga kagamitang pampagtuturo upang magamit sa susunod na mga mag-aaral. Iminumungkahi rin na kumuha ng bagong datos ng mga kasanayan bilang pamantayan sa karagdagang pag-aaral. Isang katulad na pag-aaral ay dapat maisagawa upang subukin ang kabisaan nito.
Keywords: Kasanayang Pampagkatuto, Kagamitang Pampagtuturo, Lungsod ng Davao, Rehiyon XI
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-11-13
Vol | : | 10 |
Issue | : | 11 |
Month | : | November |
Year | : | 2024 |