MGA GAWI SA PAGSASALING-WIKA AT KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT
Jessibeth G. Mondares
The Rizal Memorial Colleges, Inc. Davao City 8000, Philippines
Abstract
Isinagawa ang pag-aaral na ito upang matukoy ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mga gawi sa pagsasaling-wika at kasanayan sa akademikong pagsulat. Deskriptib-korelesyon ang disenyo ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral na ito na may 152 kabuuang kalahok mula sa Bernardo D. Carpio National High School Ginamit ang instrumentong pampananaliksik, natagpuang nasa mababang antas ang gawi ng mga mag-aaral sa pagsasaling-wika. Nakita rin na mababa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa akademikong pagsulat. Nabunyag din na may makabuluhang ugnayan ang gawi sa pagsasaling-wika at kasanayan sa akademikong pagsulat. Dagdag pa, ang mga domeyn o indikeytor ng gawi sa pagsasaling-wika na: pagtukoy ng kahulugan, pagpapahalaga sa kultura, pagpili ng mga salita, at pagtutumbas ng mga idyoma ay pawang natagpuang may makabuluhang impluwensiya sa kasanayan sa akademikong pagsulat. Mula sa mga natuklasan, ang mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon (DepED) ng mga polisiya at mga patakaran ukol sa pagbuo ng mga programang magpapatingkad sa mga gawaing pagsasaling-wika sa mataas na paaralan at ibunsod ang pagsusuri ng kasalukuyang kurikulum kung may sapat na kasanayang pampagkatuto na ukol sa kasanayan sa akademikong pagsulat ng mga pag-aaral sa sekundarya. Maaaring magbalangkas ng mga school-based na pagsasanay na may diin sa paglinang ng kasanayan ng mga guro sa pagtuturo ng pagsasaling-wika at akademikong pagsulat.
Keywords: Pagsasaling-Wika, Akademikong Pagsulat, Lungsod ng Davao, Relihiyon XI
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-11-16
Vol | : | 10 |
Issue | : | 11 |
Month | : | November |
Year | : | 2024 |