KASANAYANG LINGGUWISTIKA AT KAHANDAAN SA PANANALIKSIK NG MGA MAG-AARAL SA ANTAS NG SENIOR HIGH SCHOOL
Divina Ringor Odod
Mananaliksik, Rizal Memorial Colleges, Inc, Philippines
Abstract
Ang kasalukuyang pag-aaral ay gumamit ng deskriptiv na pamamaraan sa pananaliksik gamit ang correlational na pamamaraan sa pananaliksik upang masuri ang makabuluhang impluwensya ng kasanayang lingguwistika sa kahandaan sa pananaliksik ng mga mag-aaral sa antas ng senior high school. Ang mga napiling kalahok ng mananaliksik sa kasalukyang pag-aaral ay ang dalawang daang (200) mag-aaral sa antas ng senior high school sa iilang paaralan sa Distrito ng Marilog, Davao City. Sa kabilang banda, natuklasan ng mananaliksik na ang antas kasanayang lingguwistika at kahandaan sa pananaliksik ng mga mag-aaral sa antas ng senior high school ay mataas. Samantala, natuklasan sa pag-aaral na mayroong makabuluhang ugnayan sa pagitan ng kasanayang lingguwistika at kahandaan sa pananaliksik ng mga mag- aaral sa antas ng senior high school. Panghuli, napag-alaman ng mananaliksik na ang kasanayang lingguwistika kung susuriin ayon sa kasanayang berbal, kasanayan sa pag-unawa, at kasanayan sa pagsusulat ay ang mga domeyn na may makabuluhang impluwensya sa kahandaan sa pananaliksik ng mga mag- aaral sa antas ng senior high school
Keywords: Kasanayang lingguwistika, kahandaan sa pananaliksik, edukasyon, Lungsod ng Davao, Pilipinas
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2024-12-11
Vol | : | 11 |
Issue | : | 12 |
Month | : | December |
Year | : | 2024 |