ISANG PAG-AARAL HINGGIL SA KARANASAN NG MGA GURO SA PRIBADONG PAARALAN SA PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO- A CASE STUDY
Anna Mea S. Donaire
Student, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang layunin ng multiple case na pag-aaral na ito ay upang galugarin ang mga karanasan, tuklasin ang mga napagtagumpayan sa pagharap sa mga hamon at malaman ang mga pananaw o napagtanto sa mga naging karanasan ng mga guro sa pribadong paaralan sa pagtuturo ng wikang Filipino. Gamit ang purposive sampling at pamantayan sa pagpipili ng mga kalahok, natukoy ang kalahok na tatlong guro na nagtuturo sa pribadong paaralan mula sa lungsod ng Kapalong, Davao del Norte at lahat sila ay lumahok sa isang malalim na panayam. Ang mga resulta ay nagsiwalat ng mga karanasan ng mga kalahok: ay ang hamon sa kasanayan ng mag-aaral sa salitang ingles, suliranin sa pagpapaintindi ng mga salita, at nahihirapan sa pagtuturo sa hindi paggamit ng wikang Filipino. Bilang tugon sa mga hamon na kanilang naranasan, itinuturing nilang mahalaga ang mga sumusunod para mapagtagumpayan ang mga kanilang mga Hamon Sa Pagtuturo ng Wikang Filipino: ay ang pagiging handa sa pagtuturo ng wikang Filipino, paggamit ng mga estratehiya sa pagtuturo ng wikang Filipino, at pagkaroon ng kahalagahan ng motibasyon ng guro sa pagtuturo. Sa pagninilay-nilay sa kanilang buong karanasan, narating nila ang mga sumusunod na pananaw o napagtanto: ay ang pagbibigay halaga sa wikang Fiipino, pagpapalaganap ng wikang Filipino, kahalagahan ng pagkakaroon ng estratehiya sa pagtuturo, at kahalagahan ng pagtuturo ng wikang Filipino sa edukasyon.
Keywords: mga guro sa pribadong paaralan, pagtuturo ng wikang Filipino, multiple case approach, kwalitatibong pag-aaral
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-01-11
Vol | : | 11 |
Issue | : | 1 |
Month | : | January |
Year | : | 2025 |