PERSEPSYON NG MGA MAG-AARAL SA ESTILO NG PAGTUTURO NG GURO- A MIXED METHOD


Maricel V. Amoguis, Norrelyn B. Gedaro
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng mixed-method na pamamaraan na sumusuri sa persepsyon ng mga mag-aaral sa estilo ng pagtuturo. Kung saan, ginamit ang isang convergent parallel mixed method na disenyo dahil nakakalap ito ng iba-iba at komplementaryong data sa parehong paksa. Sa kwantitatibong parte, mayroong 177 na mga mag-aaral ang tumugon sa pag-aaral at sampu (10) naman ang kwalitatibong parte. Ang mga resulta ng pag-aaral ay nagpakita na napakataas ang antas ng estilo ng pagtuturo, pati na rin ang kanilang persepsyon tungkol dito, ginamit ng guro sa pagtuturo na may natuklasang pangunahing tema; madaling pagkatuto gamit ang digital na gamit sa pagtuturo, nakararanas ng epektibong pamamaraan sa pagkatuto, nakararanas na mapapadali ang paghahatid ng karunungan dahil sa digital na teknolohiya, nakatutulong sa pagkakaroon ng aktibo at interaktibong klase, nagkakaroon ng mabisang pagtuturo sa makabagong panahon, nahihirapang makipagsabayan sa modernong paraan ng pagkatuto, at kawalan ng interes sa pagkatuto. Ang integrasyon ng data sa parehong kwantitatibo at kwalitatibo na mga resulta ng data ay nagpahiwatig na mayroong convergence na mga natuklasan mula sa parehong uri ng data.
Keywords: demokratiko, awtorisado, laissez faire na estilo ng pagtuturo, indifferent na Estilo ng pagtuturo
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-01-11

Vol : 11
Issue : 1
Month : January
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft