PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA BATANG MAMAMAHAYAG SA PUBLIKASYONG FILIPINO: ISANG KUWALITATIBONG PAG-AARAL
Angel U. Delos Reyes
Student, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Layon ng papel na ito ang tuklasin at bigyan-diin ang naging buhay karanasan, mababatid ang ilang pamamaraan kung papaano nilagpasan ang iba’t ibang hamon at kung paano hulmahin nang maayos ang isang sulatin, sangkot din nito ang mga pananaw ng mga kalahok para sa pamamahayag. Ang kuwalitatibong pag-aaral na ito, partikular na sa paraang penomenolohiya, malalim na nasusuri ang buhay karanasan, paraan o estratehiya na ginamit ng mga batang mamamahayag upang lagpasan ang bawat hamon na kanilang kinakaharap. Kasangkot ng pananaliksik na ito ang ilang batang mamamahayag na kasalukuyang sumasabak sa larangan ng pamamahayag para sa publikasyong Filipino sa sekondarya ng Kapalong at Sto. Tomas. Bilang resulta sa pag-aaral na ito, lumilitaw ang mga hadlang sa pagbuo ng pahayag, karamihan sa kanila ay nahihirapan sa paggamit ng wikang Filipino, kahinaan sa pagbabaybay ng mga salita, at pagkakaramdam ng kaba para sa gagawing publikasyon. Subalit napagtagumpayan ng mga batang mamamahayag ang kanilang mga hamong kinakaharap sa pamamagitan ng pagsali sa mga workshop seminar, pag-aaral sa copy reading at copy writing, pagbabasa ng mga printed materials sa Filipino, at paglalakbay sa online websites. Nakikitaan din ang pag-aaral ng mga samo’t saring pananaw ng mga kalahok mula sa kanilang kabihasaan sa larang ng pamamahayag kabilang na ang pagpapahalaga sa pagbabalanse ng oras, kaalaman sa wikang Filipino bilang pinakadiwa sa kuwento, kahalagahan sa pagpapanatili ng integridad, at ang inobasyon sa pagkamalikhain.
Keywords: batang mamamahayag, copy reading, integridad, online websites, penomenolohiya
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-01-13
Vol | : | 11 |
Issue | : | 1 |
Month | : | January |
Year | : | 2025 |