PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA MAG-AARAL SA AKADEMIKONG PANANALIKSIK- POKUS SA PAGSASALIN
Ivy Jean B. Baradillo
Student, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay tukuyin ang karanasan ng mga mag-aaral sa KCAST patungkol sa kanilang karanasan sa pagsasalin ng mga akademikong pananaliksik mula Ingles tungo sa Filipino. Ginamit ng pag-aaral na ito ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik gamit ang penomenolohiyang pagdulog. Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay binubuo ng mga mag-aaral mula sa BSED Filipino na may kabuoang labing-apat (14). Lumitaw sa pag-aaral ang mga hamong naranasan ng mga kalahok katulad na lamang ng kakulangan sa kaalaman sa pagsasalin, pagkakaroon ng limitadong bokabularyo, kahirapan sa paghahanap ng salitang panumbas sa wikang Ingles tungo sa Filipino, at kahirapan sa pagsalin sa mga bagong terminolohiya. Hinarap nila ang mga hamong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahalagahan ng pag-aaral dahil ito ang pangunahing kinakailangan upang matuto, paggamit ng machine translator sa pagsasalin dahil may mga ibang salita na mahirap talagang hanapan ng katumbas, at huli, kahalagahan ng pagsasanay ay bigyang halaga, dahil isa ito sa may malaking ambag sa mga mananaliksik upang hindi masyadong mahirapan sa paghahanap ng tamang tumbas dahil marami nang bokabularyo ang nalalaman sa pagsasalin ng mga tamang salita. Binibigyang-katwiran nito ang layunin ng pananaliksik na imbestigahan ang mga hamong kinaharap dahil ang mga bagong resulta ay natagpuan at ipinaliwanag sa papel na ito.
Keywords: paggalugad, pagsasalin, karanasan ng mga mag-aaral, akademikong pananaliksik, kwalitatibo
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-01-13
Vol | : | 11 |
Issue | : | 1 |
Month | : | January |
Year | : | 2025 |