UGNAYAN NG ANTAS NG KAKAYAHAN SA BOKABULARYONG FILIPINO AT AKADEMIKONG PERFORMANS SA FILIPINO


Rizza Marie C. Paquiding, Evelyn R. Cutamora PhD
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay mabatid ang pagkakaugnay ng antas ng kakayahan sa bokabularyong Filipino at akademikong performans sa Filipino ng mga mag-aaral. Natamo ang mga layunin ng pag-aaral na ito sa pamamagitan ng estatistikong ginamit. Ang pag-aaral na ito ay ayon sa pamamaraang palarawang ugnayan na disenyo ng pananaliksik na ginagamitan ng talatanungan upang malaman ang makabuluhang ugnayan ng antas ng kakayahan sa bokabularyong Filipino at akademikong performans sa Filipino ng mga mag-aaral. Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino na nasa ikatlong taon sa kolehiyo na may asignaturang introduksyon sa pagsasaling wika sa unang semestre taong panuruan 2023-2024 na nag-aaral sa Kapalong College of Agriculture, Sciences, and Technology na may kabuoang bilang na 52 na respondente. Ang mga datos na nalikom ay sinuri gamit ang Mean at Pearson-r. Natuklasan sa resulta ng pag-aaral sa antas ng kakayahan sa bokabularyong Filipino batay sa indikeytor nito na anyo, kahulugan at gamit ay mataas. Gayundin ang akademikong performans batay sa indikeytor na kabuoang marka sa asignaturang introduksyon sa pagsasaling wika. Lumabas sa resulta na walang makabuluhang ugnayan ang antas ng kakayahan sa bokabularyong Filipino at akademikong performans sa Filipino ng mga mag-aaral.
Keywords: Kakayahan sa Bokabularyo, Akademikong Performans, Mag-aaral sa Medyor Filipino.
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-01-13

Vol : 11
Issue : 1
Month : January
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft