PAGSUSURI SA MGA PILING FLIPTOP LINES NINA ABRA AT ZAITO SA PILIPINAS- ISANG DISKURSONG PANANALIKSIK
Isyd Mae C. Labastida, Elealeh S. Timosa
Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang kwalitatibong pananaliksik na ito ay isang pagsusuri ng diskurso tungkol sa mga Fliptop lines nina Abra at Zaito sa pilipinas. Layunin ng pag-aaral na suriin ang mga morpolohikal na katangian at estruktura ng wikang ginamit sa kanilang mga linya, sa pamamagitan ng pagsusuri sa iba’t ibang estratehiya na ginagamit ng mga kalahok sa pagbuo at paghahatid ng kanilang mga linya at sa pag-unawa sa mga wikang ginamit sa kanilang linyang ibinigay sa FlipTop, lalo na ang morpolohiya at estruktura ng wika na ginamit. Sa pagsusuri ng datos ay nagpapakita na ang mga Fliptop lines nina Abra at Zaito ay naglalaman ng mga morpolohikal na katangian tulad ng akronim, paglalagay ng panlapi, paghahalo ng salita, paghihiram, paghahalo ng wika at pagsilipat ng wika, pagsasama-sama, pagbabago ng wika, at mapanlait na pahayag na ang sisitema ng wika ay mauunawaan sa pamamagitan ng termino ng kanilang ginamit. Ang estruktura ng kanilang Fliptop lines ay umiikot din sa pag-atake sa mga pisikal na katangian, pag-atake sa kakayahan sa pag-rap, pag-atake sa ibang mga rapper sa Fliptop, pag-atake sa mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan, kontra-tesis, paggamit ng mga tanong, sekwal na pakahulugan, partisipasyon ng mga kilalang sikat na personalidad, super elemental creatures fiction character, at mga taong kilala sa larangan ng politiko. May mga iba’t iba ring itinampok na pampanitikang salita na ginamit ang mga rapper sa Fliptop. Batay sa nabanggit na konklusyon, ang mga sumusunod na rekomendasyon ay inilatag: nais kong ipakilala sa mga susunod na mananaliksik na maaaring nagnanais na simulan ang pag-aaral tungkol sa Fliptop kung paano ito maaaring gamitin bilang estratehiya sa pagtuturo ng wikang Filipino, panitikan, at gramatika. Maaaring gamitin ng mga guro sa wika ang Fliptop bilang isa sa mga aktibidad sa pagpapaunlad ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral.
Keywords: FlipTop Lines, Discourse Analysis, Morpolohiya, Estruktura
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-01-13
Vol | : | 11 |
Issue | : | 1 |
Month | : | January |
Year | : | 2025 |