EPEKTO NG MULTIMODAL NA KAGAMITANG PAGKATUTO SA UGNAYAN NG MIDYA LITERASI AT PAGKATUTO NG WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA BSED FILIPINO NG LOKAL NA KOLEHIYO SA KAPALONG
Erica T. Taganahan, Jezil Joy C. Apolinar
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang epekto ng multimodal na kagamitang pagkatuto sa ugnayan ng midya literasi at pagkatuto ng wikang Filipino ng mga mag-aaral sa BSEd Filipino ng lokal na kolehiyo sa Kapalong. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng isang kwantitatibong di-eksperimental na disenyo ng pananaliksik, na gumagamit ng deskriptibong korelasyonal na teknik at analisis ng mediation. Ginamit ang stratified random sampling at Slovin's formula na may 0.05 margin of error para sa sample size, ang sampol na 177 ay random na pinili na mga mag-aaral sa BSEd Filipino na sinagutan ang mga sarbey sa tatlong baryabol. Ipinakita ng resulta na ang antas ng midya literasi, pagkatuto ng wikang Filipino, at multimodal na kagamitang pagkatuto ay pawang mataas. Isiniwalat din sa resulta na may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng midya literasi at pagkatuto ng wikang Filipino, midya literasi at multimodal na kagamitang pagkatuto, multimodal na kagamitang pagkatuto at pagkatuto ng wikang Filipino. Karagdagan, ipinakita ng resulta na ang multimodal na kagamitang pagkatuto ay hindi bahagyang nakakaapekto sa ugnayan ng midya literasi at pagkatuto ng wikang Filipino. Ipinapahiwatig nito na ang mga mag-aaral ay dapat maghanap ng iba pang salik na makatutulong sa kanilang pagkatuto ng wikang Filipino at hindi lamang tumuon sa midya literasi. Lumabas man sa resulta na walang epekto ang multimodal na kagamitang pagkatuto, ngunit mayroon namang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng midya literasi at pagkatuto ng wikang Filipino, kung saan sa kasanayan sa midya ay nandyan pa rin ang multimodal na kagamitan upang mas umunlad pa sa literasiyang ito. Kaya iminumungkahi pa rin na palawakin ang pagsasanay sa pagsasalin ng mga kaalaman mula sa teksto tungo sa iba't ibang anyo ng kagamitan o vise versa upang mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa Filipino.
Keywords: multimodal na kagamitan, kagamitang pagkatuto, midya literasi
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-01-13
Vol | : | 11 |
Issue | : | 1 |
Month | : | January |
Year | : | 2025 |