KALAGAYAN NG KAGAMITANG PAGTUTURO SA FILIPINO AYON SA PANANAW NG MGA PRE-SERVICE TEACHER: ISANG MIXED METHOD NA PAG-AARAL
Divine P. Deloy, Joan Sugetarios
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Nilalayon sa pananaliksik na ito na ihayag ang karanasan ng mga pre-service teacher na may kaugnay sa kalagayan ng kagamitang pagtuturo sa Filipino. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng mixed-method na pamamaraan na sumusuri sa kalagayan ng kagamitang pagtuturo sa Filipino. Kung saan, ginamit ang isang convergent parallel mixed method na disenyo dahil nakakalap ito ng iba-iba at komplementaryong data sa parehong paksa. Sa kuwantitatibong parte, mayroong 63 na mga mag-aaral ang tumugon sa pag-aaral at 10 naman ang kuwalitatibong parte na purong focus group discussion. Ang mga resulta ng pag-aaral ay nagsiwalat na ang antas ng kagamitang pagtuturo sa Filipino ng mga pre-service teacher ay lumabas na napakataas. Higit pa rito, ipinakita sa karanasan ng mga pre-service teacher ang kakulangan ng mga kagamitang pagtuturo at ang impluwensya ng sapat na kagamitang pagtuturo sa pagkatuto at pagtuturo ng Filipino. Bilang estratehiya, ang mga pre-service teacher ay gumagamit ng teknolohikal na kasangkapan, paggamit ng mga ng estratehiya, at ipinapalabas ang pagiging malikhain bilang guro sa pagganap sa loob ng klase. Ang kanilang ideya at estratehiya ay gumaganap at malaking tulong sa paglikha ng epektibong metodo sa pagkatuto at pagtuturo sa mga mag-aaral ng Filipino.
Keywords: kagamitang pagtuturo sa Filipino, mixed methods, pre-service teacher.
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-01-13
Vol | : | 11 |
Issue | : | 1 |
Month | : | January |
Year | : | 2025 |