PERSPEKTIBO NG MGA GURO SA LIKOD NG PABAGO-BAGONG TUNTUNIN NG ORTOGRAPIYANG FILIPINO


Christian D. Sison
Student, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay matuklasan at galugarin ang karanasan at pananaw ng mga Guro sa Likod ng Pabago-bagong Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng kwalitatibong disenyo at batay sa pitong partisipante na mga Guro sa Filipino na nagtuturo sa Kolehiyo at Pribadong paaralan ng Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology (KCAST), Kapalong College of Technology (KCTI), Inc at Maryknoll High School. Ginamit ang metodong triangulation sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng pinalalim na pahayag (in-depth interview). Ang resulta ng pananaliksik na ito ay napapangkat sa dalawang katanungan: una, ang karanasan ng mga guro sa likod ng pabago-bagong tuntunin ng ortograpiyang Filipino, nakapaloob dito ang tatlong pangunahing tema: Kalituhan sa pagpapatupad ng mga tuntunin, kakulangan ng mga libro at kagamitan, at magkaibang pinagbabasehan sa pagtuturo. Pangalawa, pananaw ng mga guro sa likod ng pabago-bagong tuntunin ng ortograpiyang Filipino. Napaloob dito ang tatlong pangunahing tema: paglaanan ng oras sa pag-aaral, magkaroon ng sapat na kagamitang panturo, at pagiging bukas ang loob sa mga pagbabago.
Keywords: Guro sa Filipino, pabago-bagong tuntunin, ortograpiyang filipino, kwalitatibo, Pilipinas
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-01-13

Vol : 11
Issue : 1
Month : January
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft