PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA MANANALIKSIK SA FILIPINO SA PAG-AAKMA NG KANILANG PAG-AARAL SA PAMANTAYAN NG TURNITIN: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL


Jessa Mae V. Agni
Student, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maibahagi ang karanasan ng mga mananaliksik sa Filipino hinggil sa pag-aakma ng kanilang pag-aaral sa pamantayan ng Turnitin na kasalukuyang nag-aaral sa institusyong Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology (KCAST). Ginamit sa pag-aaral na ito ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik gamit ang penomenolohiyang pagdulog at purposive sampling ni Cresswell (2013) sa pagsasaalang-alang ng 14 na partisipante na hinati sa dalawang pangkat, 7 para sa pinalalim na panayam (In-Depth Interview) at 7 para sa pangkatang talakayan (Focus-Group Discussion). Batay sa resulta ng pag-aaral, natuklasan na ang mga mananaliksik sa Filipino ay nakaranas ng kahirapan sa pagrebisa ng ibang teksto, nakaramdam ng presyon sa pag-abot sa pamantayan ng Turnitin, at nahihirapan dulot ng kanilang kakulangan sa kasanayan sa pagsasalin at ang limitadong kakayahan ng Turnitin sa Filipino. Sa pagharap sa mga hamong ito, ang mga mananaliksik sa Filipino ay nagbahagi rin ng kanilang mga pamamaraan upang malampasan ang mga problemang kinakaharap sa paggamit ng Turnitin tulad ng pagtutok sa orihinalidad, pagbibigay ng tamang pagsisipi, pagsasaayos sa mga isasaling ideya, at ang pagsasagawa ng regular na pagrerebyu. Bukod dito, ipinahayag din ng mga mananaliksik sa Filipino na kinakailangan ng edukasyonal na pagsasanay sa paggamit ng Turnitin, mapaunlad pa ang kakayahan ng plataporma para sa kasanayan, at ang pagbibigay ng malinaw na patakaran upang maiwasan ang mga hamong dulot ng paggamit ng Turnitin.
Keywords: mananaliksik sa Filipino, pag-aakma sa pamantayan ng Turnitin, plagyarismo
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-01-13

Vol : 11
Issue : 1
Month : January
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft