ISANG DISKURSONG PAG-AARAL NG MGA PILING KANTA NI NOEL CABANGON
Rechel Mae A. Dabon
Student, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga matatalinghagang parirala/sugnay gamit ang morpo-semantikong pamamaraan, gayundin ang pag aanalisa ng mga tema at mensahe ng mga piling kanta ni Noel Cabangon. Ginamit sa pag-aaral na ito ang kwalitatibong disenyo ng pag-aaral gamit ang dikursong pagsusuri bilang dulong upang suriin ang limampu’t isang (51) piling mga kanta ni Noel Cabangon na nagsilbing korpora sa pag-aaral. Batay sa resulta, apat na morpolohikal na mga katangian ang namukod sa ginawang pagsusuri: ang affixation, pagpapahaba, panghihiram, at palit-koda. Dagdag pa, limang (5) aspeto naman ng semantika ang namukod sa ginawang pagsusuri: ang leksikal na kategorya, kahulugan ng konstruksiyon, matatalinghagang salita, komento sa lipunan, at sanggunian sa kultura. Makikita rin sa pag-aaral na ito ang iba’t ibang tema at mensahe na siyang tampok sa mga piling kanta ni Noel Cabangon.
Keywords: morpo-semantiko, tema at mensahe, kanta ni Noel Cabangon, diskursong pananaliksik
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-01-13
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 1 |
| Month | : | January |
| Year | : | 2025 |