ALAB NG PLUMA: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL SA DANAS NG MGA BATANG MAMAMAHAYAG SA MGA PAARALANG SEKONDARYA NG MANIKI, KAPALONG


Allyza P. Suico, Jezil Joy C. Apolinar
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang mga hamon at paraan ng mga batang mamamahayag sa kanilang larangan. Natukoy na ang mga batang mamamahayag ay nakararanas ng kahirapan sa pagtutok sa ibang mga gawaing pang-akademiko, nahihirapan dahil sa kakulangan sa pagsasanay, at nagkakaroon ng hadlang dahil sa problema sa pakikipagsalamuha sa ibang tao. Sa pagharap sa mga hamon na ito, natuklasan na ang mga batang mamamahayag ay nakapagtagumpay sa pamamagitan ng pakikinig sa mga payo, pananalig sa Panginoon, at suportang nakukuha mula sa kanilang mga magulang. Ang kanilang tagumpay ay nakaugat sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglalaan ng sapat na oras sa pagsasanay, at katapatan sa pagpapahayag. Ang mga natuklasan sa pananaliksik na ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga personal na katangian at pamamaraan sa pagharap sa mga hamon sa larangan ng pamamahayag ng mga batang mamamahayag.
Keywords: Edukasyon, Danas ng Mamamahayag, Penomenolohikal, Sekondarya, Pilipinas
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-01-13

Vol : 11
Issue : 1
Month : January
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft