PAGTUKOY SA KAMALIAN NG PAGGAMIT NG PANDIWA SA ISINULAT NA TEKSTONG DESKRIPTIBO NG MGA PILING MAG-AARAL NG MEDYOR SA FILIPINO: ISANG PAGSUSURI
John Lloyd S. Bolaton, Conie B. Cerna
Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makagawa ng isang pagsusuri sa mga kamaliang ginamit na pandiwa sa isinulat na tekstong deskriptibo ng mga piling mag-aaral ng medyor sa Filipino sa lokal na institusyon ng Kapalong. Isang error analysis o pagsusuri ng kamalian ang ginamit na dulog sa pag-aaral na ito na kabilang sa kwalitatibong pamamaraan. Ginamit ang 51 na tekstong deskriptibo bilang korpora na siyang sinuri at binigyan ng kaukulang pagwawasto ayon sa tuntunin sa angkop na gramatika. Batay sa resulta, nauuri sa apat na kategorya sa pagsusuri ng kamalian ang isinulat ng mga mag-aaral tulad ng pagkakaltas (omission), pagdadagdag (addition), kamalian sa anyo (misformation), at kamalian sa pagsasaayos (misorder). Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito ay nahanap ang pangunahing solusyon, paraan at mga hakbang upang mapalawak at mahasa ang kasanayan ng mag-aaral lalong-lalo na sa larangan ng pagsulat ng iba-ibang sulating pang-akademiko gayundin ang kaalaman sa angkop na gramatika na siyang mahalaga rin upang maging malinaw ang ideya sa pagpapahayag.
Keywords: pagtukoy sa kamalian, pandiwa, pagsulat, tekstong deskriptibo
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-01-13
Vol | : | 11 |
Issue | : | 1 |
Month | : | January |
Year | : | 2025 |