MGA KASANAYANG RESEPTIB AT EKSPRESIB NG MGA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL SA KONTEKSTONG BAGONG NORMAL


Ivy Joy D. Ganancial, Rene P. Sultan
Graduate School, The Rizal Memorial Colleges, Inc., Davao City, Philippines
Abstract
Ang mga makrong kasanayan ay napakahalagang salik na nakaaapekto sa pang-araw-araw na gawain. Ito ay ginagamit sa pag-aaral o pakikipagtalastasan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng wika at ang linaw ng mensahe na nais iparating sa kapuwa. Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng pagganap ng mga mag-aaral sa senior high school sa kasanayang reseptib at ekspresib. Sinisiyasat nito ang makabuluhang ugnayan na mayroon sa mga kakayahang reseptib at kasanayang ekspresib. Isang descriptive-correlational na disenyo ang ginamit at binubuo ng 175 na mag-aaral sa ikalabing-isang baitang ng Senior High School sa isang pribadong paaralan sa lungsod ng Davao. Isang pansariling instrumento ang ginamit upang makuha ang mga tugon ng mga mag-aaral. Mean at Pearson Product-Moment Correlation ang ginamit sa pagsusuri ng datos. Natuklasan sa pag-aaral na ang pagganap ng mga mag-aaral sa Senior High School sa kasanayang reseptib at ekspresib ay kasiya-siya at inihayag ang pagsusuri na may makabuluhang ugnayan ang dalawang kasanayan. Ang mga natuklasan ng pag-aaral ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng paggamit ng angkop na estratehiya at banghay-aralin sa pagkatuto upang matugunan ang mga nagbabago at magkakaibang pangangailangan ng mga mag-aaral at upang mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa reseptib at ekspresib.
Keywords: Kasanayang Ekspresib, Kasanayang Ekspresib, Lungsod ng Davao
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-01-16

Vol : 11
Issue : 1
Month : January
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft