INTERES SA PAGKATUTO AT METAKOGNITIBONG KAMALAYAN SA KASANAYANG KOMUNIKATIBO NG MGA MAG-AARAL SA MAYORYANG FILIPINO
Stephen M. Gornez , Elealeh S. Timosa
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang interes sa pagkatuto at metakognitibong kamalayan sa kasanayang komunikatibo ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino sa Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology (KCAST). Ginamit sa pag-aaral na ito ang disenyo ng regression analysis gamit ang teknikong korelasyon. Ang mga respondent sa pag-aaral na ito ay 117 mag-aaral na mula sa unang taon sa ilalim ng Taong Panuruan 2023-2024, unang semestre. Ang mga istatistikal na paggamot sa data na ginamit ay ang mean upang matukoy ang antas ng interes sa pagkatuto; ang antas ng metakognitibong kamalayan ng mga mag-aaral at ang iba pa ay ang antas ng kasanayang komunikatibo ng mga mag-aaral. Ginamit din nito ang Pearson product moment correlation upang sukatin ang kaugnayan sa pagitan ng interes sa pagkatuto at kasanayang komunikatibo ng mga mag-aaral; metakognitibong kamalayab ng mga mag-aaral at kasanayang komunikatibo ng mga mag-aaral. Ipinakita ng mga natuklasan na ang pangkalahatang antas ng interes sa pagkatuo ng mga mag-aaral ay karaniwang mataas na antas na nangangahulugang madalas itong ipinapakita ng mga mag-aaral, habang ang pangkalahatang antas ng metakognitibong kamalayan ng mga mag-aaral ay nasa mataas din na antas ng pagganap na nangangahulugang madalas din itong ipinapakita at gayundin ang pangkalahatang antas ng kasanayang komunikatibo ng mga mag-aaral ay karaniwang nasa mataas na antas ng pagganap na nangangahulugang madalas din itong ipinapakita. Sa kabilang banda, ipinakita ng resulta na ang parehong interes sa pagkatuto at metakognitibong kamalayan ng mga mag-aaral ay may mataas na makabuluhang ugnayan sa kasanayang komunikatibo na nagpapahiwatig na ang interes sa pagkatuto ay maaaring makaapekto sa kasanayang komunikatibo, kapag interesado ang isang mag-aaral, mas motivated siyang matuto nang malalim at masusing pag-aralan ang mga konsepto.
Keywords: interes sa pagkatuto, metakognitibong kamalayan, kasanayang komunikatibo
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-01-17
Vol | : | 11 |
Issue | : | 1 |
Month | : | January |
Year | : | 2025 |