ESTILO NG GURO SA PAGTUTURO SA PAKIKILAHOK NG MGA MAG-AARAL NG BSED FILIPINO NG KAPALONG COLLEGE OF AGRICULTURE SCIENCES AND TECHNOLOGY


Lovely Joy L. Tejada, Linagyn A. Gementiza-Cubio LPT
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang ugnayan ng estilo ng guro sa pagtuturo sa pakikilahok ng mga mag-aaral na kabilang sa BSEd Filipino ng KCAST. Sa pagpapatibay at pagsakatuparan ng pag-aaral, ito ay ginamitan ng kwantitatibong disenyo sa deskripsyong korelasyunal na pamamaraan. Ang mga piniling respondente na mag-aaral ay pawang nasa una hanggang ikaapat na taon na naka-enrol sa pangalawang semestre na may kursong BSEd Filipino na may naitalang sampol na 177 na mag-aaral na siyang naging respondente. Base sa naging resulta, natuklasan na ang estilo ng guro sa pagtuturo ay may katamtamang antas at ang pakikilahok ng mga mag-aaral ay may mataas na antas ng pagpapahalaga bilang mga mag-aaral. Napatunayan na ang estilo ng guro sa pagtuturo ay may makabuluhang ugnayan sa pakikilahok ng mga mag-aaral. Sa gayong dahilan, ang antas ng estilo ng guro sa pagtuturo sa pakikilahok ng mga mag-aaral ay may makabuluhang ugnayan sa antas ng kanilang pag-aaral.
Keywords: Estilo ng Guro sa Pagtuturo, Pakikilahok ng mga mag-aaral, Based Filipino
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-01-17

Vol : 11
Issue : 1
Month : January
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft