KASANAYANG PANGKOMUNIKATIBO SA PAKIKIPAG-UGNAYAN NG MGA MAG-AARAL NG KAPALONG COLLEGE OF AGRICULTURE, SCIENCES AND TECHNOLOGY
Margie A. Tinay, Linagyn A. Gementiza-Cubio LPT
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy at alamin ang antas ng kasanayang pangkomunikatibo sa pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral sa non-BSEd Filipino ng Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology. Kabilang din ang pagkilala sa kabuluhang ugnayan ng dalawang baryabol. Sa pagpapatibay at pagsakatuparan ng pag-aaral, ito ay ginamitan ng kwantitatibong disenyo sa korelasyunal na pamamaraan. Ang mga respondente ay kinapapalooban ng 102 na mag-aaral na sa non-BSEd Filipino. Base sa naging resulta, natuklasan na ang kasanayang pangkomunikatibo ay madalas naipapakita ng mga mag-aaral. Dagdag pa, natuklasan din na ang pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral ay madalas din na naipapakita. Sa gayong dahilan, napatunayan na ang antas ng kasanayang pangkomunikatibo ay may makabuluhang ugnayan sa kanilang pakikipag-ugnayan bilang mga mag-aaral.
Keywords: kasanayang pangkomunikatibo, korelasyunal, mag-aaral, pakikipag-ugnayan, Philippines
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-01-17
Vol | : | 11 |
Issue | : | 1 |
Month | : | January |
Year | : | 2025 |