HAMON NG MGA MAG-AARAL SA BSED FILIPINO NA KABILANG SA STUDENT RESOURCE AND ASSISTANTSHIP TRAINING SCHOLARSHIP (STRAT)


Mea Julyca C. Pilapil, Evelyn R. Cutamora PhD
Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang alamin ang mga hamong kinakaharap ng mga mag-aaral na kabilang sa Student Resource and Assistantship Training Scholarship (STRAT) sa kanilang pag-aaral at mga responsibilidad sa trabaho. Gumamit ang mananaliksik ng kwalitatibong disenyo na may penomenolohikal na pagdulog upang masuri at maunawaan ang mga karanasan at pananaw ng mga mag-aaral sa ilalim ng naturang programa. Ang mga respondente ng pag-aaral ay binubuo ng sampung mag-aaral mula sa kursong BSED Filipino sa Kapalong College of Agriculture, Sciences, and Technology. Ang talatanungan ang ginamit na instrumento ng mananaliksik sa pagkalap ng mga datos. Batay sa resulta sa pamamagitan ng pangangalap ng datos, lumitaw na ang tamang pamamahala ng oras ay mahalaga upang maiwasan ang pagkabalisa at iba pang negatibong epekto na dulot ng sabay-sabay na gampanin sa pag-aaral at trabaho. Napatunayan din na ang pagpapahalaga sa mga kasanayan sa pamamahala ng oras ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng balanseng pagsasakatuparan ng mga gampanin ng mga nagtatrabahong mag-aaral. Kaugnay nito, inirerekomenda ng mananaliksik ang pagbuo ng mga estratehiya at programa na makatutulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pamamahala ng oras at pagharap sa mga hamon ng kanilang responsibilidad. Higit pa rito, iminungkahi rin ng mananaliksik na bigyan ang mga mag-aaral ng mas maraming pagkakataon upang mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagiging responsable sa kanilang mga gampanin. Layunin nito na hindi lamang mapabuti ang kanilang propesyonal na pag-unlad kundi pati na rin ang kalidad ng kanilang edukasyon at ang kanilang tagumpay sa hinaharap.
Keywords: hamon ng mga mag-aaral na kabilang sa STRAT, malalim na pagpapahalaga sa responsibilidad, estratehiya sa pagbuo ng solusyon
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-01-18

Vol : 11
Issue : 1
Month : January
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft