MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA MAYORYANG FILIPINO: ISANG DESKRIPTIBO- KOMPARATIBONG PAG-AARAL
Glydel D. Bastasa, Conie B. Cerna MAEd
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino na nasa unang taon hanggang pang-apat na taon. Ang pangunahing instrument na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang Vocabulary Learning Strategies Questionnaire na ginawa ni Schmitt’s (1997). Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong disenyo ng kwantitatibong pananaliksik dahil ito ay nagsasangkot lamang ng iisang baryabol upang matukoy ang estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino. Sa pamamagitan ng random sampling nagkaroon ng kabuoang bilang na 177 mag-aaral na nagsilbing respondente. Lumabas sa resulta na na karamihn sa mag-aaral sa medyor sa Filipino ay nasa 18-19, babae at nasa unang taon sa BSed Filipino. Ang estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa Mayoryang Filipino ay napag-alamang mataas. Samantalang walang nakitang makabuluhang pagkakaiba sa mga estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino batay sa kanilang edad at antas ng taon. Ngunit nakitang mayroong makabuluhang pagkakaiba batay sa kanilang kasarian. Dahil ang resulta sa pag-aaral na ito ay nagpapakita na may mataas na antas ng estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ang mag-aaral ng mayoryang Filipino, iminungkahi ng mananaliksik na mas palawakin pa ang kakayahan sa estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan sapagkat malaki ang papel nito upang sila ay magiging aktibong makipag-ugnayan o makilahok hindi lang sa gawaing pampagkatuto kundi pati na rin sa lahat.
Keywords: talasalitaan, estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan, mag-aaral sa mayoryang Filipino,deskriptib-komparatib,
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-01-18
Vol | : | 11 |
Issue | : | 1 |
Month | : | January |
Year | : | 2025 |