PAGPILI NG KARERA NG MGA MAG-AARAL- ISANG KUWALITATIBONG PAG-AARAL
Jessel A. Aniñon
Student Researcher, Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang layunin ng multiple case na pag-aaral na ito ay upang galugarin ang mga karanasan, tuklasin ang mga mekanismo sa pagharap sa mga hamon at malaman ang mga pananaw sa mga naging karanasan ukol sa paglalakbay sa akademikong na pag- unlad ng mga mag-aaral ng medyor sa Filipino. Gamit ang purposive sampling at pamantayan sa pagpipili ng mga kalahok, natukoy ang tatlong kalahok na mag-aaral sa medyor sa Filipino na kasalukuyang nag-aaral tungo sa kanilang akademikong pag-unlad mula sa Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, ang lahat ng kalahok ay sumailalim sa masinsinang panayam. Ang mga resulta ay nagsiwalat sa mga katangian ng mga partisipante: pagkakaroon ng paninindigan sa desisyong ginagawa; pagiging matapang sa pagharap sa hamon at pagiging matiyaga. Samantala ang mga karanasan na nagtulak sa kanila na piliin ang kursong edukasyon medyor sa Filipino ay ang sumusunod: papel ng panlipunang karanasan sa pagpili ng kurso, karanasan sa loob ng klasrum, impluwensya at motibasyon ng guro sa pagtuturo. Samantala, bilang tugon sa mga hamon na kanilang naranasan, itinuturing nilang mahalaga ang mga sumusunod na mekanismo sa pagharap ng mga hamon: pangunahing tema ang umusbong: katatagan at pagpapatuloy sa kabila ng hamon, estratehikong pamamahala ng oras, mga pinagkukunan ng suporta sa kabila ng hamon. Gayundin, ang kanilang payo sa pagkakaroon ng matatag na pundasyon ng mga mag-aaral sa pagpili ng karera: payo sa mag-aaral na gagawa ng desisyon sa pagpili ng kurso, payo sa kagawaran ng edukasyon, payo sa mga guro. PP
Keywords: pagpili ng karera ng mga mag-aaral, multiple case approach, kuwalitatibong pag-aaral
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-01-20
Vol | : | 11 |
Issue | : | 1 |
Month | : | January |
Year | : | 2025 |