MGA KILOS SA FEEDBACK LITERACY NG MGA MAG- AARAL SA MEDYOR SA FILIPINO NG KAPALONG COLLEGE OF AGRICULTURE, SCIENCES AND TECHNOLOGY: ISANG DESKRIPTIBONG KOMPARATIBONG PAG-AARAL


Carl Benedict T. Miole, Benjie F. Salcedo LPT
Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang kilos sa feedback literacy ng mga mag-aaral ng BSEd medyor sa Filipino ng Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, pati na rin ang kaugnayan nito sa kasarian at antas ng taon. Gamit ang kwantitatibo at deskriptibong-komparatibong metodolohiya, isinagawa ang sarbey sa 147 mag-aaral sa pamamagitan ng stratified random sampling at Likert scale bilang instrumento. Lumabas sa resulta na mataas ang antas ng kanilang kakayahan sa pagkuha, pag-unawa, at paggamit ng feedback, ngunit bahagyang mas mababa ang kakayahan sa pagbibigay ng feedback at pamamahala ng emosyon. Walang pagkakaiba ang feedback literacy batay sa kasarian, ngunit mayroong pagkakaiba naman ayon sa antas ng taon ng mag-aaral. Iminumungkahi ng pag-aaral na isama ang mga pagsasanay, workshop, at seminar sa pagpapahusay ng feedback literacy bilang bahagi ng mga programa para sa mga guro. Sa kabuoan, ang pag-aaral na ito ay nagbigay ng mahahalagang impormasyon hinggil sa antas ng feedback literacy ng mga mag-aaral ng BSEd Major sa Filipino at ang mga salik na nakaaapekto rito.
Keywords: literacy, mag-aaral, kilos sa feedback, kuwantitatibo, deskriptibong-komparatibo, stratified random sampling
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-01-20

Vol : 11
Issue : 1
Month : January
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft