PAGTATASA SA PANINIWALA NG MGA GURO SA KAHANDAAN SA SAKUNA SA LOKAL NA KOLEHIYO- ISANG DESKRIPTIBONG-KOMPARATIBO NA PANANALIKSIK


Cristine Mae T. Mompol, Benjie F. Salcedo
Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang mga paniniwala ng mga guro sa kahandaan sa sakuna sa local na kolehiyo ng Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology (KCAST). Sinuri ang mga paniniwalang ito batay sa mga sumusunod na aspekto: pinaniniwalaang panganib, pinaniniwalaang epekto, pinaniniwalaang benepisyo, pinaniniwalaang mga hadlang, pagbibigay ng aksyon, at sariling kakayahan. Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibong-komparatibong disenyo ng kuwantitatibong pananaliksik, na may isang baryabol lamang upang matukoy ang pananaw ng mga respondente at makita kung may mga pagkakaiba sa kanilang paghahanda at paniniwala. Sa pamamagitan ng random sampling nagkaroon ng kabuoang bilang na 103 na mga guro na nagsilbing respondent. Batay sa natuklasan, napag-alaman na mataas ang antas ng paniniwala sa kahandaan sa sakuna batay sa kasarian, edad, at lokasyon ng tirahan ng mga guro. Mayroon ding makabuluhang pagkakaiba sa antas ng paniniwala sa kahandaan sa sakuna batay sa kasarian at edad ngunit walang makabuluhang pagkakaiba base sa lokasyon ng tirahan. Dahil ang resulta sa pag-aaral na ito ay nagpapakita ng mataas na antas ng paniniwala sa kahandaan sa sakuna ng mga guro, iminungkahi ng mananaliksik na palawakin ang kamalayan hinggil sa pagpapalakas ng paniniwala sa kahandaan sa sakuna, partikular sa kasarian, edad, lokasyon ng tirahan ng mga guro at ang pagpapatupad ng mga programa at aktibidad na naglalayong tugonan nang maayos ang banta ng sakuna.
Keywords: guro, paniniwala sa kahandaan sa sakuna, deskriptibong-komparatibo, kwantitatibong pag-aaral
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-01-21

Vol : 11
Issue : 1
Month : January
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft