KAGANAPAN SA LOOB NG SILID-ARALAN SA PAGPUKAW NG AKADEMIKONG INTERES NG MGA MAG-AARAL SA JUNIOR HIGH SCHOOL SA PRIBADONG PAARALAN
Dimple Lyn R. Basaca, Conie B. Cerna. MAEd
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay mabatid ang pagkakaugnay ng kaganapan sa loob ng silid-aralan sa akademikong interes ng mga mag-aaraal sa junior high school sa pribadong paaralan. Natamo ang mga layunin sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng etadistikong ginamit. Ang pag-aaral na ito ay ayon sa pamamaraang palarawang ugnayan na disenyo ng pananaliksik na ginagamitan ng talatanungan upang malaman ang makabuluhang ugnayan ng kaganapan sa loob ng silid-aralan at akademikong interes ng mga mag-aaral. Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay binubuo ng mga mag-aaral mula sa pribadong paaralan na mayroong kabuoang bilang na 248 na mga respondante. Ang mga datos na nalikom ay sinuri gamit ang Mean, Pearson r, at Regression. Natuklasan sa resulta ng pag-aaral sa kaganapan sa loob ng silid-aralan batay sa indikeytor nito na kaganapang pisikal, interaksiyon ng guro at mag-aaral, interaksiyon ng relasyon sa kapwa, at oryentasyon ng guro sa kaligirang pampagkatuto ng mga mag-aaral. Habang ang akademikong interes batay sa indiketor ayon sa impak, pagpili, kahalagahan, at kabuluhan. Batay sa resulta ng pag-aaral, lumabas na ang antas ng kaganapan sa loob ng silid-aralan ay mataas at ang antas naman ng akademikong interes ay mataas din. Dagdag pa, may tiyak na ugnayan ang kaganapan sa loob ng silid-aralan at akademikong interes ng mga mag-aaral.
Keywords: kaganapan sa loob ng silid-aralan, akademikong intere, junior high school sa pribadong paaralan, kwantitatibong pananaliksik.
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-01-21
Vol | : | 11 |
Issue | : | 1 |
Month | : | January |
Year | : | 2025 |