ISANG DESKRIPTIBO-KOMPARATIBONG PAG-AARAL SA KAKAYAHANG PANANALIKSIK NG MGA MAG-AARAL SA NON-BOARD PROGRAM NG KCAST
Joramae L. Mejarez, Benjie F. Salcedo LPT
Institute of Teacher Education, Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng kwantitatibong pamamaraan ng pananaliksik na sumusuri sa kakayahan sa pananaliksik ng mga mag-aaral sa KCAST na kung saan gumagamit ng deskriptibong-komaparatibo dulog. Layon ng mananaliksik na masuri ang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kakayahan sa pananaliksik ng mga mag-aaral batay sa kasarian at programa. Ang respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa non-board program. Sinagutan ng nasa 278 na piling mga mag-aaral ang talatanungan sa kakayahang pananaliksik na binubuo ng tatlong talatandaan. Ipinakita sa resulta na ang paraan ng pananaliksik at pagsusuri ng datos, pagsulat at pagtalakay sa mga resulta, at pagpapakahulugan sa suliranin ay nagtamo ng mataas na antas. Ipinakita rin sa resulta na walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng pananaliksik batay sa kasarian, samantala, inilabas na mayroong makabuluhang pagkakaiba batay sa programa. Dagdag pa, ipinakita rin sa resulta na ang kasarian ay hindi sukatan ng antas ng kakayahang pananaliksik ng mga respondente. Gayun sdin, ipinapakita na may pagkakaiba batay sa programa dulot ng pagkakaiba-iba sa disiplina ng bawat programa.
Keywords: kakayahang pananaliksik, deskriptibo-komparatibo, kwalitatibo, non-board, Kapalong Davao del Norte
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-01-22
Vol | : | 11 |
Issue | : | 1 |
Month | : | January |
Year | : | 2025 |