SULYAP SA PIYESANG LIKHA- PAGDALUMAT SA MGA KATANGIANG TAGLAY NG SPOKEN WORD POETRY


Renelyn M. Basalo, Conie B. Cerna. MAEd
Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay suriin ang mga natatanging katangiang taglay ng Spoken Word Poetry at kung paano ito ginagamit ng mga makata upang maiparating ang kanilang mensahe at damdamin. Ginamit sa pag-aaral ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik gamit ang diskursong pagsusuri bilang pangunahing pamamaraan upang suriin ang limampu’t isang (51) akda ng Spoken Word Poetry, na isinulat ng mga kilalang makata. Ipinakita ng pagsusuri na ang mga akda ay nagtataglay ng mga makulay at malikhain, ngunit may mga karaniwang katangian na namutawi sa kanilang mga estruktura. Kabilang sa mga natukoy na tayutay ang pagtutulad, pagwawangis, personipikasyon, at pagmamalabis, na ginamit ng mga makata upang magbigay diin sa kanilang mga mensahe. Bukod dito, natukoy din ang mga katangian tulad ng tema, tugma, at matatalinghagang pahayag na nagpapalalim sa kahulugan at epekto ng bawat akda. Ang mga elementong ito ay nagsisilbing kasangkapan ng mga makata upang mapalakas ang kanilang pagpapahayag ng emosyon at opinyon sa pamamagitan ng makatawid at epektibong paraan. Inaasahang magbibigay ang pag-aaral na ito ng masusing pananaw ukol sa paggamit ng Spoken Word Poetry sa pagpapahayag ng mga karanasan at saloobin, at magiging gabay ito para sa mga makata at tagapag-aaral ng literatura sa mas malalim na pag-unawa sa sining ng Spoken Word Poetry.
Keywords: Spoken Word Poetry, tayutay, diskursong pagsusuri, tema, tugma, matatalinghagang pahayag, personipikasyon, pagmamalabis
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-01-22

Vol : 11
Issue : 1
Month : January
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft