KAMALAYAN SA TRANSGRESIBONG PANITIKAN AT KASANAYAN SA KRITIKAL NA PAG-IISIP NG MGA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL


Reymart H. Mancao
The Rizal Memorial Colleges, Inc, Davao City 8000, Philippines
Abstract
Isinakatuparan ang pag-aaral na ito upang matukoy ang makabuluhang ugnayan ng kamalayan sa transgresibong panitikan at kasanayan sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Naging kalahok ng pag-aaral ang lahat ng mag-aaral ng Senior High School ng Philippine College of Technology, Inc., Lungsod ng Davao para sa Taong Panuruan 2021-2022. Sa pag-aaral, ginamit ang kwantitatibo at di-eksperimental na disenyo ng pananaliksik gamit ang deskriptib-korelesyon na metodo. Natuklasan na may mataas na lawak ng kamalayan ng transgresibong panitikan sa lawak ng kasanayan ng kritikal na pag-iisip ang mga mag-aaral. Bagamat mataas ang kabuoan, may isang indikeytor na may pinakamababa: pagsusuri. Ganoon din ang lawak ng kamalayan sa transgresibong panitikan na nasa mataas. May makabuluhang ugnayan ang kamalayan sa transgresibong panitikan sa lawak ng kasanayan sa kritikal na pag-iisip ang mga mag-aaral. Napatunayan din na ang mga domeyn o indikeytor ng transgresibong panitikan ay may makabuluhang impluwensiya sa lawak ng kasanayan sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral.
Keywords: Kamalayan, Transgresibong Panitikan, Kritikal na Pag-iisip
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-01-23

Vol : 11
Issue : 1
Month : January
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft