MGA PANDAMDAMING SALIK SA PAGKATUTO NG WIKA AT TATAS SA PAGLINANG NG TALASALITAAN


Quennie Rose N. Bandico, Rene P. Sultan
1.Teacher I, Sulop National High School, Poblacion, Sulop, Davao del Sur, 2.Professor, Rizal Memorial Colleges, Inc. Lopez Jaena & F. Torres Streets, Poblacion District, Davao City, Davao del ,Philippines
Abstract
Itinaguyod ang pag-aaral na ito upang matukoy ang makabuluhang ugnayan ng mga pandamdaming salik sa pagkatuto ng wika at tatas sa paglinang ng talasalitaan ng mga mag-aaral. Deskriptib-korelesyon ang disenyo ng pananaliksik na ginamit sa pag-aaral. Ang mga kalahok ay ang mga mag-aaral ng ikapitong baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Sulop, Sangay ng Davao del Sur Rehiyon XI para sa Taong Panuruan 2022-2023. Isang daan at labing-apat ang kabuoang kalahok ng pag-aaral na pinili sa paraang simple random sampling. Natukoy na mataas ang lawak ng mga pandamdaming salik sa pagkatuto ng wika at tatas sa paglinang ng talasalitaan. Natagpuang may makabuluhang ugnayan ang mga pandamdaming salik sa pagkatuto ng wika at tatas sa paglinang ng talasalitaan ng mga mag-aaral at ang mga pandamdaming salik sa pagkatuto ng wika na: pagpapahalaga sa sarili, sariling pagganyak at pagkabalisa ay may makabuluhang impluwensiya sa tatas sa paglinang ng talasalitaan ng mga mag-aaral. Sa pag-aaral na ito, napatitingkad ang teoryang constructivism ni Vygotsky (1978) na ang mga mag-aaral ay bumubuo ng bagong kaalaman, konsepto, at kasanayan sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa ibang kasapi ng kanilang kultura at kapaligiran. Inirerekomenda na magbalangkas ang mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon ng mga polisiya at mga palatuntunang pang-kurikulum para sa paglinang ng mga pandamdaming salik sa pagkatuto ng wika at tatas sa paglinang ng talasalitaan.
Keywords: Pandamdaming Salik sa Pagkatuto, Tatas sa Paglinang ng Talasalitaan
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-02-07

Vol : 11
Issue : 2
Month : February
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft