PAGLALAYAG SA KARANASAN NG MGA MAG-AARAL SA PAGSULAT NG EDITORYAL AT PAGLALARAWANG TUDLING SA MGA PAMAHAYAGANG PANGKAMPUS- ISANG KUWALITATIBONG PAG-AARAL
Shera V. Dalapo. LPT, Susan B. Dipolog. PhD
1.Teacher I, Father Saturnino Urios College of Trento Inc., Poblacion, , Trento, Agusan del Sur, Philippines , 2.College Faculty, University of Mindanao, Tagum City, Davao del Norte Philippines
Abstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matuklasan, matukoy, at maunawaan ang buhay na karanasan ng mga batang mamamahayag sa pagsulat ng editoryal at paglalarawang tudling sa ikalawang Distrito sa Dibisyon ng Agusan del Sur. Tinuklas nito ang mga pamamaraan na pinagtibay ng mga batang mamamahayag upang matagumpay na mailahad ang totoong mga pangyayari sa lipunan bilang isang mamamahayag. Saklaw ng pananaliksik na ito ang karanasan ng labing-apat (14) na mga batang mamamahayag na kinapapalooban ng mga manunulat ng editoryal at kartunist mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan ng ikalawang Distrito sa Dibisyon ng Agusan del Sur. Nagkaroon ng dalawang presentasyon ng resulta mula sa mga tugon ng kartunist at manunulat ng editoryal. Mula sa mga naging karanasan ng mga manunulat ng editoryal natuklasan ang mga sumusunod na tema: kakulangan ng sapat na kaalaman sa paksa, malalim na pag-unawa sa mga isyung panlipunan, kahirapan sa pagbuo ng pamagat, kaayusan at kalinawan ng sulat-kamay, pagiging obhetibo at patas na pagpapahayag. Kaugnay naman sa mga pag-uugali, hakbang at mga estratehiya kung paano nalampasan ang mga suliranin sa pagsulat ng editoryal lumitaw ang mga sumusunod na tema; palagiang pagsasanay sa pagsusulat, paggabay ng tagapayo at kapwa mamamahayag, pagsagawa ng pananaliksik, pagtitiwala sa sariling kakayahan. Tungkol naman sa mga naging kabatiran ng mga manunulat ng editoryal lumutang ang mga sumusunod na mga tema: paglalan nang tamang oras sa pagsusulat, pagkakaroon ng malawak na kamalayan sa mga isyung panlipunan, pagsusumikap at determinasyon para sa sariling pag-unlad, pagtutulungan at motibasyon ng kapwa mamamahayag. Mula naman sa mga naging tugon ng mga kartunist sa kanilang mga naging karanasan sa pagguhit ng kartung editoryal umusbong ang mga sumusunod na tema: kamalayan sa mga isyung panlipunan, kahirapan sa pag-unawa sa paksa, kahirapan sa pagbuo ng larawan, pagiging mapanuri sa pagbuo ng larawan. Kaugnay sa mga hakbang, estratehiya sa kung paano nalampasan ng mga kartunist ang kanilang mga hamon sa pagguhit ng mga kartun ang lumitaw ang mga sumusunod na tema: palagiang pagsasanay sa pagguhit, gabay ng tagapayo at suporta ng mga magulang, at pagpapaunlad ng kasanayan. Tungkol naman sa mga naging kabatiran ng mga kartunist natuklasan ang mga sumunod na tema: paniniwala sa sariling kakayahan, pagpupursige sa patuloy na pagsasanay, palagiang pagbabasa ng mga mapagkukunang impormasyon. Mahalaga ang pag-aaral na ito bilang batayan ng mga batang mamamahayag sa pakikibaka sa mundo ng pamahayagang pangkampus at ang kahalagahan ng kanilang tungkulin sa lipunan. Sa pamamagitan nito, maraming mga kabataan ang magiging susi ng pagbabago ng komunidad, bansa maging sa buong mundo.
Keywords: kartunist, manunulat ng editoryal, batang mamamahayag, pamahayagang pangkampus, Agusan del Sur
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-02-07
Vol | : | 11 |
Issue | : | 2 |
Month | : | February |
Year | : | 2025 |