ANG MGA DANAS SA PAGTUTURO NG MGA PANITIKANG PAMBANSA: ANG KONSEPTO NG KABANSAAN SA SILID-ARALAN


Grace E. Cabo, Rene P. Sultan
1. Teacher I, Sulop National High School, Poblacion, Sulop, Davao del Sur, 2.Professor, Rizal Memorial Colleges, Inc. Lopez Jaena & F. Torres Streets, Poblacion District, Davao City, Davao Del Sur, Philippines
Abstract
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay alamin ang mga danas, pagtatagumpay sa mga balakid at kabatiran ukol sa pagtuturo ng panitikang pambansa sa kasalukuyang panahon. Sa pamaraang purposive sampling, napili ang siyam (9) na kahahok mula sa mga piling paaralan ng Sangay ng Davao del Sur na sumalang sa pinalalim na panayam upang bigyan ng tugon ang mga tanong sa pananaliksik. Sa pamamagitan ng disenyong phenome-nology, nalantad ang mahahalagang kaisipan. Napatunayang nagtuturo ang mga guro ng panitikang pambansa gamit ang mga digital na kagamitan at iba’t ibang estratehiya ayon sa genre ng panitikan. Nagiging madali ang pag-tuturo ng wika gamit ang panitikang makabayan bilang lunsaran ng pag-aaral ng mga araling pang-wika. Sa pagtuturo, kailangang sumabay ang mga guro sa daloy ng teknolohiya, ikawing nila ang kalinangang Pilipino sa kalinangan ng ibang bansa at magtaguyod ng malawak na pananaliksik. Dahil dito, kailangang paigtingin ang pagtuturo ng panitikang pambansa at patatagin ang kurikulum sa paglinang ng pagkamakabayan gayundin ang pagtataguy-od ng pagsasanay para sa mga guro sa pagtuturo ng panitikan.
Keywords: Panitikang Pambansa, Mga Danas, Balakid, Kabatiran, Sangay ng Davao del Sur
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-02-07

Vol : 11
Issue : 2
Month : February
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft