ANG PAGTUTURO NG PANITIKANG PAMBATA: ISANG PAGDADALUMAT SA MGA KARANASAN, BALAKID AT ADHIKAIN


Mylene M. Nabua, Rene P. Sultan
1. Teacher I, Wlilliam Joyce Sr. Elementary School, Lapuan, Don Marcelino, Davao Occidental, 2. Rizal Memorial Colleges, Inc. Lopez Jaena & F. Torres Streets, Poblacion District, Davao City, Davao del Sur, Philippines
Abstract
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay galugarin at pagnilayan ang mga karanasan, balakid at adhikain ng mga guro sa pagtuturo ng panitikang pambata sa elementarya. Sa pamaraang purposive sampling, napili ang siyam (9) na kahahok mula sa Don Marcelino District na sumalang sa pinalalim na panayam upang bigyan ng tugon ang mga tanong sa pananaliksik. Sa pamamagitan ng disenyong phenomenology natuklasan na ang pangunahing karanasan ng mga guro sa pagtuturo panitikan ay napagagaan ang pagtuturo ng wika, napagagaan ang pangangasiwa ng silid-aralan, nalilinang ang hilig sa pagbasa at napatitibay ang relasyon ng pamilya. Upang mapagtagumpayan ang mga balakid ng pagtuturo ng panitikan itinaguyod ng mga guro ang paggamit ng unang wika sa pagtuturo; pagsasagawa ng sariling pagsasanay at paggamit ng kontekstuwalisadong kagamitang pampagtuturo ng mga panitikang pambata. Nais na ipabatid ng mga guro ang kanilang adhikain na mahalaga ang mga pagsasanay sa pedagohiya; pagpapaunlad ng kurikulum sa pagtuturo at makabuluhan ang pagbasa para sa mga guro. Sa mga susunod na pananaliksik, maaaring bigyan ng pansin ang mga paksang ukol sa pagtuturo ng makabagong panitikan (digital na panitikan), ang mga modelo ng pagtuturo ng panitikan sa key stages 2, 3 at sa senior high school, ang pagkilala sa saloobin at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng panitikan at mga guro sa pagtuturo-pagkatuto ng panitikang pambata.
Keywords: Panitikang Pambata, Karanasa, Balakid, Adhikain, Lungsod ng Davao
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-02-09

Vol : 11
Issue : 2
Month : February
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft