MORPOLOHIYANG PAGSUSURI NG MGA PATALASTAS PANGMEDYA: BATAYAN SA PAGPAPAUNLAD NG KASANAYAN SA GRAMATIKANG FILIPINO
Lansangan Jean C, Raymund L. Santiago PhD
La Carlota City College, Negros Occidental, Philippines
Abstract
Sa kasalukuyan ang morpolohiya ng wikang ginagamit ng mga patalastas pangmedya ay nakabatay sa iba’t ibang proseso ng pagbuo ng salita kaya naman ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang mga uri ng paraan ng pagbuo ng salita sa mga patalastas pangmedya at suriin kung paano ginagamit ang mga iyon. Ang mga datos ay kinuha sa dalawampung (20) patalastas na mapapanood o maririnig sa Facebook, Youtube, telebisyon at radyo at ibinatay sa Konsepto ng Paraan ng Pagbuo ng Salita ng dalubwika na si Yule. Ang mananaliksik ay gumamit ng pamamaraang deskriptibong kwalitatibo at Frequency Count Method. Natuklasan sa isinagawang pagsusuri, lumalabas na mula sa sampung paraan ng pagbuo ng salita (acronym, backformation, borrowing, blending, clipping, coinage, compounding, conversion, derivation, at multiple processes), borrowing ang nangunguna sa pinakamadalas na gamitin sa dalawampung (20) patalastas na sinuri, pumapangalawa ang multiple processes at pumapangatlo ang compounding, samantalang walang nakitaang backformation at acronym na nakapaloob. Batayan ang resulta ng pag-aaral, iminumungkahi na hikayatin ang mga mag-aaral na maging mapanuri sa mga patalastas na naririnig at napapanood sa iba’t ibang social media platform nang sa gayon ay malinang ang kanilang kakayahan at kasanayan sa kritikal na pag-iisip at pag-unawa, ipagpatuloy ang paglinang ng mga kagamitang panturo para sa ikagagaan ng mga gawain pansilid-aralan ng mga guro, at gawing batayan ang resulta ng pag-aaral sa pagbuo ng programang pang-edukasyon.
Keywords: Morpolohiya, Patalastas Pangmedya
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-02-11
Vol | : | 11 |
Issue | : | 2 |
Month | : | February |
Year | : | 2025 |