NARATIBONG PAGTATAYA SA PAGPAPATUPAD NG OPLAN BAKLAS PROGRAM NG MGA PILING GURO SA KAGAWARAN NG EDUKASYON
Valerie Joy S. Estoquia , Raymund L. Santiago PhD
La Carlota City College, La Carlota City, Negros Occidental, Philippines
Abstract
Ang pangunahing tunguhin ng pananaliksik na ito ay malaman ang naging epekto sa mga piling guro simula ng ipatupad ang Oplan Baklas Program ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang mananaliksik ay gumamit ng disenyong deskriptibong naratibo sa pagsasagawa ng pangogolekta ng mga datos at inilunsad ang Thematic Analysis sa pag-aanalisa, paglalahad, at pagtalakay ng mga makokolektang datos. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng purposive sampling at inilunsad sa mga guro na nasa Junior High School ng Mansilingan Agro-Industrial High School.
Nalaman sa pag-aaral na ito ang mga positibong dulot ng panukalang ito sa mga piling guro na siyang naging daan sa kanila upang maiwasan ang mga distraksyon at maibigay ang kanilang pokus at atensyon sa pakikinig at pagtuturo. Natunghayan din ng pag-aaral na ito na ang panukalang Oplan Baklas ng Kagawaran ng Edukasyon ay may malaking tulong sa guro pagdating sa pinansyal na aspekto dahil kung minsan napipilitan ang mga guro magpalabas ng sariling pera mula sa kanilang bulsa makamit lamang ang istandard na ninanais na ipinapatupad upang magkaroon ng makulay at kanais-nais na silid-aralan para sa mga mag-aaral. Sabihin man nating mayroon alawans ang mga guro mula sa departamento ngunit ito ay hindi sapat upang matustusan ang lahat ng pangangailangan ng mga guro sa pagpapaganda ng silid- aralan.
Keywords: Oplan Baklas, pinansyal, distrasyon, pokus.
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-02-11
Vol | : | 11 |
Issue | : | 2 |
Month | : | February |
Year | : | 2025 |