ANG AKADEMIKONG PAGSULAT NG MGA MAG-AARAL KAUGNAY SA PILING BARYABOL
Catherine H. Emeterio, Raymund L. Santiago. PhD
La Carlota City College, La Carlota, Negros Occidental, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang akademikong pagsulat ng mga mag-aaral kaugnay sa piling baryabol sa antas ng kasanayan at ugnayan nito. Kasangkot ang mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang ng pampublikong paaralan; matukoy ang demograpikong pagkakakilanlan, masukat ang antas ng kasanayan, at matuklasan ang ugnayan. Tumugon ang teoryang ‘error analysis’ sa larangan ng applied linguistics ni Corder. Ginamit ang kwantitatibong descriptive-correlational sa bilang, paglalarawan, at pag-aanalisa ng mga baryabol upang makakuha ng wastong resulta. Ginamit ang sulating sanaysay langkap ang standardized rubrik at model text. Gamit ang ilang statistical tools, natuklasang lamang ang edad 16-17 taong gulang kaysa sa 18 taong gulang at pataas. Maraming babae kaysa sa lalaki at lamang ang pinakamababang sahod sa buwanang kita ng mga magulang/katiwala. Sa antas ng akademikong pagsulat, katamtamang husay sa nilalaman at gramatika ngunit mahusay sa mekanismo. Walang makabuluhang ugnayan ang nilalaman, gramatika at mekanismo sa edad, kasarian at buwanang kita ng mga magulang/katiwala ngunit may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mekanismo sa kasarian. Karamihan sa mga mag-aaral, hindi gaanong matatas at bihasa sa pagsulat ng nilalaman at gramatika bagama’t napatunayan na mahusay sa mekanismo. Napagtantong bumuo ng intervention plan na naglalaman ng gabay at tuntunin sa mabisang kasanayan sa akademikong pagsulat.
Keywords: Akademikong Pagsulat, Mag-aaral, Nilalaman, Gramatika, Mekanismo
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-02-13
Vol | : | 11 |
Issue | : | 2 |
Month | : | February |
Year | : | 2025 |