ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG PAMAMAHAYAG KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP


Marie Frances A. Araneta , Raymund L. Santiago. PhD
La Carlota City College, La Carlota City, Negros Occidental, Philippines
Abstract
Ang pangunahing tunguhin ng pananaliksik na ito ay malaman ang estratehiya sa pagtuturo ng pamamahayag kaugnayan sa akademikong pagganap. Ang pag-aaral na ito ay may layuning kilalanin ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa edad, kasarian at paaralan. Malaman ang estratehiya na kadalasang ginagamit ng guro sa pagtuturo ng pamamahayag at ang antas ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa pagtuturo ng pamamahayag. Upang magawa ito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey na sumasagot sa kaugnayan ng estratehiya sa pagtuturo ng pamamahayag sa akademikong pagganap. Ang mananaliksik ay gumamit ng kwantitatib kontent analisis (quantitative content analysis) sa pagsasagawa ng pangogolekta ng mga datos tungkol sa Estratehiya sa Pagtuturo ng Pamamahayag Kaugnayan sa Akademikong Pagganap sa mga mag-aaral sa limag pampublikong paaralan sa Dibisyon ng Bacolod at kung ano ang antas ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa pagtuturo ng pamamahayag at gumamit ang mananliksik ng chi-square test sa pag-aanalisa, paglalahad, at pagtalakay ng mga makokolektang datos. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng random sampling at inilunsad sa mga mag-aaral na nasa ikalabing isang baitang sa limang paaralan sa lungsod ng Bacolod. Nalaman sa pag-aaral na ito ang estratehiyang kadalasang ginagamit ng guro sa pagtuturo ng pamamahayag ay lecture at ang antas ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa pagtuturo ng pamamahayag ay may resulta na pinaknamumukodtangi. Nakagawa din interbensyon ang mananaliksik sa pagtuturo ng pamamahayag
Keywords: Pamamahayag, estratehiya, akademikong pagganap, pagtuturo..
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-02-22

Vol : 11
Issue : 2
Month : February
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft