PAGSUSURING PORMASYON SA MGA REHISTRO NG ASIN TIBUOK SA BAYAN NG ALBURQUERQUE, BOHOL
Jenny C. Galanida, Ethel S. Doria. PhD
1.Dr. Cecilio Putong National High School , Tagbilaran City, Bohol, 2.Holy Name University, Tagbilaran City, Bohol, Philippines
Abstract
Ang Asin Tibuok ay isang natatanging asin mula sa bayan ng Alburquerque, Bohol, na kinikilala hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa. Bahagi ng industriyang ito ang natatanging rehistro ng wika na ginagamit ng mga asindero sa paggawa ng asin. Nakasandig ang pag-aaral na ito sa mga teoryang Cultural Schema at Word Formation. Layunin ng pag-aaral na ito na ilahad ang mga rehistro sa paggawa ng Asin Tibuok na may kaugnayan sa proseso, kagamitan at kultural na aspeto, paraan ng pagkakabuo ng mga piling rehistro sa industriya ng Asin Tibuok. Ginamit ang kwalitatibong-deskriptibong pamamaraan, kung saan isinagawa ang panayam sa mga manggagawa ng Asin Tibuok sa Barangay Sta. Filomena, Alburquerque. Mula sa kanilang sagot, naitala at nasuri ang mga rehistrong ginagamit batay sa proseso, kagamitan, at kulturang aspeto ng paggawa ng asin. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga rehistrong nalikom ay nagpapakita ng kakayahan ng wika bilang tagapaghatid ng kaalaman at kasanayan sa isang partikular na larangan. Ipinapakita rin nito ang kahalagahan ng rehistro sa pagpapanatili ng kulturang kaugnay ng industriya ng Asin Tibuok. Dahil dito, mahalagang mapanatili at maipasa ang mga rehistrong ito sa susunod na henerasyon sa pamamagitan ng sa pagsasanib sa mga talakayan sa Senior High School sang-ayon sa lokalisasyon at kontekstwalisasyon.
Keywords: asindero, mang-asinay, Asin Tibuok, rehistro, leksikal-semantik, pormasyon ng salita, proseso, kagamitan, kultural na aspeto
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-03-07
Vol | : | 11 |
Issue | : | 3 |
Month | : | March |
Year | : | 2025 |