PRAKTIKAL AT EKPERYENSIYAL NA PAGTATAYA SA MGA GAWAIN SA PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIKO: BATAYAN SA PAGBUO NG INTERVENTION PLAN


Ferrer Sarah Jane A, Nuera Rosette E
1.National Teachers College, Manila, Philippines
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang praktikal at eksperyensiyal na pagtataya sa mga gawain sa pagkatuto sa Filipino sa Piling Larang-Akademiko ng mga mag-aaral mula sa strand ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) sa taong panuruan 2024-2025. Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng mahalagang kontribusyon sa pagpapabuti ng pagtuturo at pagkatuto ng Filipino sa piling larang akademiko. Gamit ang deskriptibo-analitikong disenyo ng pananaliksik, sinuri ang mga indibidwal at pangkatang gawain ng mga mag-aaral, pati na rin ang kanilang pagtataya sa mga aspeto ng pagsusuri, disenyo, pagpapaunlad, implementasyon, at pagtataya ng mga gawain. Ang mga datos ay nakalap mula sa 258 mag-aaral ng HUMSS strand sa CITI Global College-SHS Department gamit ang sarbey-kwestyoner na sumailalim sa balidasyon ng mga eksperto. Ipinakita ng resulta na ang mga mag-aaral ay mahusay na naisagawa ang mga praktikal at eksperyensiyal na gawain, ngunit may mga aspeto pa ring nangangailangan ng pagpapabuti, partikular sa kolaborasyon at kritikal na pagsusuri. Ang mga natuklasan ay nagbigay-daan sa pagbuo ng isang komprehensibong intervention plan na naglalayong palakasin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsusulat, pagsusuri, at malikhaing pag- iisip gamit ang wikang Filipino.
Keywords: Praktikal na Pagtataya, Eksperyensiyal na Pagkatuto, Filipino sa Piling Larang-Akademiko, Intervention Plan sa Edukasyon, Pagtuturo ng Filipino
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-03-17

Vol : 11
Issue : 3
Month : March
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft