KARIKTAN AT REALISMO: ISANG PAGSUSURI SA PILING MAIKLING KUWENTO


Jenny Rose Oronos-Tumacder, Wincel Mateo Ocampo
¹.Nueva Ecija University of Science and Technology, Cabanatuan City, Nueva Ecija, Philippines, ².Bulacan State University, Bulacan, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglayon na matukoy ang kariktan ng bawat maikling kuwento na napalolooban ng tayutay, talinghaga at simbolismo. Nalaman na ang mga maikling kuwento na may Teoryang Realismo ay naglalaman ng isyung panlipunan kagaya ng diskriminasyon at kahirapan. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskripibong pamamaraan upang masuri ang sampung maikling kuwento. Ang pangnilalamang pagsusuri ay ginamit upang masuri ng mabuti ang piling maikling kuwento. Batay sa pag-aaral natuklasan na ang kariktan ng akda ang siyang pumupukaw sa mga mambabasa, natuklasan din na ang mga ito ay salamin ng mga isyung nagaganap sa nakaraan at kasalukuyang panahon. Inirerekomenda ng pag-aaral na ito na patuloy na pahalagahan at mag-suri ng mga piling kuwento gamit ang Teoryang Sosyolohikal. Sinagawa ang pag-aaral na ito upang suriin ang kariktan ng piling maikling kuwento gamit ang Teoryang Realismo. Ginamit ang pangnilalamang pagsusuri upang maayos at kongkretong masuri bawat piling akda. Ang pangangalap ng datos ay ginawa sa pamamagitan ng mabusising pagbabasa o pag-aanalisa ng sampung piling maikling kuwento. Nakita sa pag-aaral ang kagandahan ng akda, mga tunay na kaganapan sa lipunan, at mga katangian na mayroon ang bawat inibidwal sa kaniyang lipunang ginagalawan
Keywords: Maikling Kuwento, Teoryang Realismo, Estetika, Diskriminasyon, Polikikal, Aesthetic-Historical
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-04-23

Vol : 11
Issue : 4
Month : April
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft