ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
Sarah Mae A. Toga, Raymund L. Santiago PhD
La Carlota City College, La Carlota City, Negros Occidental, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Pagbasa na may Kaugnayan sa Akademikong Pagganap: Batayan sa Paglinang ng Kasanayan ay naglalayong malaman ang relasyon ng mga estratehiya ng mga guro sa pagtuturo ng komprehensyon sa pagbasa at akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa General Academic Track o GAS. Ang natuklasan ng pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa Kagawaran ng Edukasyon upang mas mapabuti ang kalidad ng pagtuturo, gayundin ang pagpapahusay ng akademikong pagganap ng mag-aaral. Ang mananaliksik ay nangasiwa ng pag-aaral gamit ang sampling na populasyon na may bilang na dalawampu (20) ng mga kalahok na nasa Baitang 11 ng GAS. Sa karagdagan, ang akademikong pagganap ng Baitang 11 na mag-aaral ay nagbase sa kanilang marka sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Unang Semestre ng Taong Panuruan 2022-2023. Napag-alamang napakataas ang natamo ng mga mag-aaral sa kabuoang estratehiya ng pagtuturo ng komprehensyon. Napag-alaman din na pinakatatangi ang akademikong pagganap ng mag-aaral sa General Academic Strand. Napag-alaman na walang makabuluhang pagkakaugnay sa pagitan ng mga estratehiya sa pagtuturo ng komprehensyon at ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa GAS na kinuha bilang kabuoan sa kanilang pag-aaral at pag-unawa ng kanilang binasa na nangangahulugan na ang null hypothesis ay nabigong tanggihan. Napag-alaman din na walang makabuluhang pagkakaugnay sa pagitan ng mga estratehiya sa pagtuturo ng komprehensyon at ng akademikong pagganap Ipinahihiwatig nito na anuman ang pag-unawa sa pagtuturo na isinagawa ng mga guro ay nagawa o natutunan pa rin ng mga mag-aaral sa paaralan. Inerekomenda ng mananaliksik ang paggawa ng vocabulary booklet upang malinang ang komprehensyon ng mga mag-aaral at ang pagdalo ng mga guro sa iba’t ibang pagsasanay upang makatuklas ng bagong estratehiya sa pagtuturo ng komprehensyon.
Keywords: Estratehiya, Komprehensyon, Pagtuturo, Akademikong Pagganap
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-04-23
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 4 |
| Month | : | April |
| Year | : | 2025 |