KOMUNIKATIBONG KASANAYANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA FILIPINO
Win Love G. Montecalvo, Erwin R. Bucjan
1.Mount Olive National High School Mt. Olive, Bayugan City, 2.North Eastern Mindanao State University, Tandag City, Philippines
Abstract
Nilalayon ng pag-aaral na ito na tuklasin ang demograpikong profayl ng mga guro, antas ng komunikatibong kasanayan ng mga guro at mag-aaral, makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng komunikatibong kasanayan guro at mag-aaral, kaugnayan ng komunikatibong kasanayan ng guro at komunikatibong kasanayan ng mga mag-aaral, at impluwensiya ng komunikatibong kasanayan ng guro sa komunikatibong kasanayan ng mga mag-aaral. Purposive sampling ang ginamit sa pagpili ng mga respondente sa 13 piling pampublikong paaralan sa sekondarya ng Bayugan City Division, Rehiyon ng Caraga. Batay sa resulta ng pag-aaral, lumalabas na ang pinakamalaking bahagi ng mga kalahok ay nasa posisyong Teacher I (42.50%), na may espesyalisasyon sa asignaturang Filipino (62.50%), at may karanasang pagtuturo ng anim hanggang sampung taon (42.50%). Ipinapakita ng datos na mataas ang antas ng komunikatibong kasanayan ng mga guro at mag-aaral, ngunit may mga tiyak na kakulangan, lalo na sa aspeto ng pagsulat at diskorsal na kasanayan. Bagamat may positibong ugnayan sa kasanayan ng guro at mag-aaral, may iba pang salik tulad ng motibasyon, kapaligiran, at suporta na mas malaki ang epekto sa proseso ng pagkatuto. Patuloy na humaharap ang mga guro sa mga hamon ng makabagong panahon; kahit na may kakulangan sa kahandaan, taglay naman nila ang kakayahan at kapasidad na malampasan ang mga suliraning kinakaharap sa kasalukuyan. Iminumungkahi ang pagpapalawak ng saklaw ng pananaliksik at pagbuo ng training design na tumutugon sa pangangailangan ng mga guro sa Filipino.
Keywords: Komunikatibong Kasanayang Pangwika, Kakayahang Lingguwistiko, Kakayahang Sosyolingguwistiko, Kakayahang Pragmatik at Istratedyik, at Kakayahang Diskorsal
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-05-09
Vol | : | 11 |
Issue | : | 5 |
Month | : | May |
Year | : | 2025 |