PAGGALUGAD SA INTERDISIPLINARYONG DULOG SA GAWAING PAGGANAP


Debbie Arado-Paumig, Dr. Ethel S. Doria
Holy Name University, Philippines
Abstract
Ang Paggalugad sa Interdisiplinaryong Dulog sa gawaing pagganap ay naglalayong suriin ang mga kasalukuyang pamamaraan ng pagdaraos ng mga gawaing pagganap. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay mga guro sa Filipino 11 partikular sa HUMSS Strand mula sa mga piling pampubliko at pampribadong paaralan sa Tagbilaran City. Ginamit sa pananaliksik na ito ang kwalitatibong pamamaraan at sa tulong ng isang panayam ay natuklasan ang mga asignaturang nakapagsagawa ng gawaing pagganap at mga pamamaraan o estratehiya na kanilang ginamit sa pagpapatupad nito. Dahil dito, napag-alaman na may iba’t ibang pamamaraan at estratehiya ang mga guro sa pagsagawa ng interdisiplinaryong gawaing pagganap na maaaring gamitin ng mga gurong nagbabalak na makapagsagawa ng kaugnay na Gawain.
Keywords: Interdisiplinaryong Dulog, Gawaing Pagganap, HUMSS Strand, Tagbilaran City
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-05-19

Vol : 11
Issue : 5
Month : May
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft