PAHAMBING NA PAG-AARAL NG WIKANG BISAYA SA PILING WIKA NG TIMOG LEYTE
Eunice Mae D. Tampus, Ziezza A. Bellota
Teacher III, San Juan National High School San Jose, San Juan, So. Leyte, Ziezza A. Bellota, Philippines
Abstract
Layunin ng pananaliksik na ito ay makilala ang leksikon at estruktura ng wikang Binisaja na ginagamit sa mga piling barangay ng Agay-ay at Cabalian sa San Juan, Southern Leyte. Deskriptibong disenyo sa pamamagitan ng survey ang ginamit. Ang mga kalahok na pinili ay gamit ang purposive sampling, kung saan sadyang pinili ang mga kalahok na may edad 65 taong gulang pataas taon na may kabuuang bilang na tatlumpu (30). Natuklasan na sa aspetong ponema ang pagkakaiba ng wikang ginamit ng wikang Agay-ay at Cabalianon ang mga ponemang /y/, /l/, /k/, at /j/. Sa aspetong morpema natuklasan na sa salitang manjagan ay may ponemang /j/ sa Agay-ay, habang wala ito sa Cabalianon (managan), at ang iba't ibang panlapi tulad ng hing-, ni-, mi- sa Cabalianon na nagsisilbing marker ng aspekto ng pandiwa. Bagama’t may mga kaibahan, kapansin-pansin ang mga morpemang magkakatulad din sa dalawang wika. Batay sa datos, kapansin-pansin ang ilang natatanging katangian sa sintaktikang estruktura ng Binisajang Agay-ay. Ang pagkakaroon ng partikular na bokabularyo na hindi karaniwang ginagamit sa Cabalianon, gaya ng paggamit ng mga ponemang /y/ at /j/ sa mga salitang “paduyung,” “bayu,” at “baja.” Mapapansin din ang mga katagang “jaun” at “itun” na kadalasang ginagamit bilang panghalip o pantukoy sa mga pangungusap. Batay sa pagsusuri, hindi gaanong nagkakalayo ang wika ng Binisajang Agay-ay at Binisajang Cabalianon sa aspekto ng morpolohiya, at sintaksis. Bagamat may ilang salita na may magkakaibang palatumbasan, kapansin-pansin na magkapareho naman ang daloy ng pagbubuo at kaanyuan ng mga ito sa pangkalahatang bilang ng mga salitang ginagamit sa araw-araw. Mula sa mga natuklasan, iminumungkahi ang patuloy at mas malalim na pag-aaral upang higit pang masuri ang estruktura ng mga wikang ito. Limitado pa ang mga naitalang datos, kaya’t kinakailangang madagdagan ang mga salitang maaaring pagbatayan ng mas komprehensibong analisis at mas akmang paglalahat. Mainam na ipagpatuloy ang pananaliksik sa dalawang baryo upang matuklasan pa ang mga salitang nararapat isama sa korpus ng wika ng mga taga-San Juan
Keywords: Bokabularyo; Morpema; Ponema;Sintak
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-05-21
Vol | : | 11 |
Issue | : | 5 |
Month | : | May |
Year | : | 2025 |