PANUNURING METAPORIKAL SA MGA POPULAR NA AWITING PILIPINO: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PANTURO
Reniel M. Pamaus, Erwin R. Bucjan PhD
North Eastern Mindanao State University, Main Campus, Tandag City, Surigao del Sur, Philippines
Abstract
Ang tunguhin ng pag-aaral na ito ay masusing suriin ang nilalaman at mga metaporikal na pahayag ng piling popular na awitin ni Moira Dela Torre at tukuyin ang kahalagahan nito sa paglinang ng kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Sinusuportahan ng Conceptual Metaphor Theory nina Lakoff at Johnson (1980), ang pangunahing pamamaraan ay Critical Metaphor Analysis at deskriptib-analitikong disenyo (Charteris-Black, 2004). Sinuri ang mga kanta batay sa prodyuser, awdyens, nilalaman, haba, paksa, tono, at layunin. Pagkatapos, inisa-isa ang mga konseptuwal na metaporang taglay ng bawat kanta. Ang datos ay nakolekta sa pamamagitan ng maingat na pagbasa at pagsusuri ng mga liriko. Ginamit din ang mga teoryang pampanitikan tulad ng Reader-Response, New Criticism, at Structuralism upang ipaliwanag ang impormasyon. Ang resulta ay nagpapakita na ang mga konseptwal na metaphor, tulad ng "pag-ibig bilang paglalakbay," " paninindigan bilang tungkulin," at "pag-asa bilang liwanag," ay malawak na ginagamit sa mga awitin ni Moira Dela Torre. Ang nilalaman ng kanta ay pinahusay ng mga metaporang ito, na isang mahalagang kasangkapan para sa pagpapalawak ng kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Sa kabuuan, ipinakita ng pag-aaral na ang mga kontemporaryong awitin ay maaaring maging kapaki-pakinabang na sanggunian sa pagtuturo ng panitikan pati na rin sa paglinang ng mas mahusay na pag-unawa at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
Keywords: Metapora, Awitin ni Moira Dela Torre, Panunuring pampanitikan, Kritikal na pag-iisip, Conceptual Metaphor Theory, Panitikang Pilipino
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-05-24
Vol | : | 11 |
Issue | : | 5 |
Month | : | May |
Year | : | 2025 |