PAGSUKAT SA AKADEMIKONG TAGUMPAY NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO MAJOR: ISANG DESKRIPTIBO KOMPARATIBONG PAG-AARAL


Maymay B. Masaloon, Jobell B. Jajalla PhD
Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Philippines
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino na nasa unang taon hanggang pang-apat na taon. Ang pangunahing instrument na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang Academic Success Inventory for College Students Festa-Dreher (2012). Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong disenyo ng kwantitatibong pananaliksik dahil ito ay nagsasangkot lamang ng iisang baryabol upang matukoy ang pagsukat ng akademikong tagumpay ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino. Sa pamamagitan ng random sampling nagkaroon ng kabuoang bilang na 177 mag-aaral na nagsilbing respondante. Ang akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral sa Mayoryang Filipino ay napag-alamang mataas. Samantalang walang nakitang makabuluhang pagkakaiba sa mga akademikong tagumpay ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino batay sa kanilang edad at antas ng taon. Ngunit nakitang mayroong makabuluhang pagkakaiba batay sa kanilang kasarian. Dahil ang resulta sa pag-aaral na ito ay nagpapakita na may mataas na antas ng akademikong tagumpay ng mag-aaral sa mayoryang Filipino, iminungkahi ng mananaliksik na mas palawakin pa ang kakayahan sa akademikong pag-aaral sapagkat malaki ang papel nito upang sila ay magiging aktibong makipagugnayan o makilahok hindi lang sa gawaing pampagkatuto kundi pati na rin sa lahat
Keywords: Akademikong Tagumpay, Mga Mag-Aaral, Deskriptib, Kwantitatib, Philippines.
Journal Name :
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)

VIEW PDF
Published on : 2025-06-15

Vol : 11
Issue : 6
Month : June
Year : 2025
Copyright © 2025 EPRA JOURNALS. All rights reserved
Developed by Peace Soft