F.I.R.E (FREEZE, IMPERSONATION, ROLL AND RE-TELL, AT EVENT SEQUENCING): PAGPAPAUNLAD NG KAKAYAHAN SA PAG-UNAWA SA BINASA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-10 NA BAITANG
Ivy Jean B. Baradillo, Kysha Kyl T. Cabasag, Edrian T. Galabo
Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, Maniki, Kapalong, Davao del Norte, Philippines
Abstract
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang mga epektibong estratehiya at mga interbensyon na inakma upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap sa pag-unawa sa binasang teksto ng mga mag-aaral sa ika-10 na baitang sa Baltazar Nicor Valenzuela National High School. Ang interbensyong F.I.R.E (Freeze, Impersonation, Roll and Re-Tell, at Event Sequencing), ay nakatuon sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng pre-experimental na disenyo na kung saan ito ay gumamit ng one group pre-test and post-test na pamamaraan. Ang mga respondente na napabilang sa eksperimental na grupo ay ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang, seksyon Rizal. Gumamit ang pananaliksik ng mga estadistikang kasangkot sa pagsusuri ng datos gaya ng mean, standard deviation, paired samples t-test, at Cohen’s d. Lumalabas na mayroong makabuluhang pagbabago sa marka bago ang interbensyon na may mean na 42% tungo sa 71% pagkatapos ng interbensyon. Bukod dito, ipinakita ng paired sample t-test na ang pag-unlad na ito ay estadistikang makabuluhan, t(39) = 14.659, p < .001, na may malaking epekto (Cohen’s d = 2.318), na nagpapahiwatig na ang interbensyon ay may makabuluhang epekto sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa binasa. Natuklasan sa resulta ng pag-aaral na ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa pre-test ay inilalarawan na katamtaman samantalang ang naging resulta sa post-test ay mataas. Lumalabas na mayroong makabuluhang pagbabago sa pagitan ng pre-test at post-test ng mga mag-aaral mula sa eksperimental na grupo matapos ang isinagawang interbensyon. Samakatuwid, ang F.I.R.E (Freeze, Impersonation, Roll and Re-Tell, At Event Sequencing) ay isang epektibong pamamaraan upang mapalakas at mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral. Kung kaya, iminumungkahi ng mga mananaliksik na ipatupad ang interbensyong F.I.R.E. Ito rin ay gawing pagsasanay sa loob ng klase.
Keywords: F.I.R.E (Freeze, Impersonation, Roll and Re-Tell, at Event Sequencing), pre-eksperimental, reading comprehension, Ika-7 na baiting, Philippines
Journal Name :
VIEW PDF
EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
VIEW PDF
Published on : 2025-06-16
| Vol | : | 11 |
| Issue | : | 6 |
| Month | : | June |
| Year | : | 2025 |